Subic Tree Top Adventure - Superman
Habang nakalambitin kami sa canopy ride, yong ibang mga kasama namin ay nag-eenjoy naman sa ibang adventures within tree top. Nakasalubong namin sa ere ang dalawa sa kanila habang sumisigaw at inienjoy ang superman ride.
At level up na nga ang nangyari. Pagkatapos namin ng canopy ride, superman naman ang next target.
Kahit na try ko na ang mag zipline sa Ecopark sa Fairview at sa Tagaytay, since heights na naman ang usapan, ang kabog ko kumakatok ulit. Haha. Eto na naman po kami. Dapat siguro araw-arawin ko ang ganitong mga adventure para mawala ng tuluyan ang mga daga ko sa dibdib. Buti na lang at di ako high-blood at wala ding sakit sa puso. Mahirap atang magkikisay habang nakalambitin sa ere. Hehe
Along the way, na-witness namin ang interactive freefall. Maximum of three persons ang pwede dito. Ibababa at itataas kayo kasama ang isang malaking metal frame na tinutuntungan nyo at hinahawakan. Eto yong tipo ng ride na maiiwan sa ere ang sikmura mo kapag biglaang ilalaglag kayo. Hindi ko na pinangahasan na subukin ito kasi one time ng nag anchor's away kami sa star city, muntik na akong magsuka. Partida na yon, nasa gitna pa ako noon. Haha
Sabi ng mga kasama ko, mas exciting daw ung silver surfer ride. Naka 45 degrees ata ung cable tapos hihilain kayo back and forth. In between, gagawin kayong parang pendulum. Hmmmm. Exciting nga pero pass muna ako dito. Sadyang di ko pa kaya. Hehe
Well, just like ng mga past experiences ko sa ganitong rides, sa simula lang naman ang kaba. On the contrary, masarap yong feeling na nakalambitin ka tapos kita mo yong nasa baba. Huwag ka lang papadaig sa kaba mo at tyak maeenjoy mo ang experience na kagaya nito.
Sa grupo, kaming tatlo na lang ang naiiwan. Natapos na nila ang kanilang package ride kaya kami na lang ang inantay. Nauna na sina Regine at Neil sumampa sa superman ride. Syempre naman excited ang dalawa lalo na si Regine. Ayan nga at nakasuperman move na sya agad. Hehe.
Since motorized din ang ride na ito, magugulat ka na lang kasi bigla ka nitong hihilain papunta sa kabilang dulo. Exciting nga. Ayan nga kitang kita sa expression ng mukha ni Regine ang pagkabigla. Hehe
At pinanindigan nga ng dalawa ang superman ride. Di nila ramdam ang ngawit habang nag aala superman sila. Kitang kita naman sa mga mukha nila ang saya.
Sa wakas, ako naman. Buti na lang kamo at hindi nila ako nakunan ng pic habang hinila paatras dahil malamang nabigla rin ako sa biglaang paghila ng motor. Hehe. Oo, ako itong nasa pic. Mukang isang maliit na tuldok sa dulo ng lubid. Haha. Boring pala ang magsolo sa ganitong ride. Wala kang kakwentuhan at wala kang kasama sa tawanan. Mukha tuloy akong ewan. Haha. At ang masama pa nito, dyahe kung magsisigaw akong mag-isa.
Sobrang saya ng pakiramdam na meron kang na-explore tapos nairaos mo ito ng matiwasay. Daig mo pa ang isang champion at again, tumataas ang iyong self esteem at fulfillment na rin. Kahit na minsan meron kang mga limitasyon at takot pero kung magagawan mo ito ng paraan na overcome, you'll eventually grow into a better and stronger person. Nosebleed. Hehe
Kaya't paminsan minsan, ok din yong sumusubok tayo ng bago at kakaiba sa mga nakagawian nating gawin. Huwag tayong makuntento na umupo na lang at manood habang ang iba ay sumusubok, nag-eenjoy, at nag-eexplore. Ipakita rin natin na kaya natin.
At katulad ngayong summer, masarap magbakasyon kasama ang pamilya, mahal sa buhay, o barkada. Palaguin at pagtibayin ang inyong samahan sa pamamagitan ng mga makabuluhang mga activities. Mag-explore, mag-enjoy, at pahalagahan ang bawat isa.
At kung wala kang makakasama, pwede ako lalo na pag out of town at nature trip ang gusto mo. Tara, gala tayo. Explore natin ang Pilipinas.
2 comments:
Masaya yung superman. Sayang hindi ko na-try dati yung silver surfer ride.
Meron pa namang next time. Pag nakabalik din ako dito, malamang try ko ung silver surfer and interactive free fall. :)
Post a Comment