Saturday, May 15, 2010

Capones Island @ Zambales - Part 2

Sa aming pagbaba sa kabilang side ng bundok, ibang mukha naman ng bundok ang tumambad sa amin. Kung ang kabilang side ay mabato at di na halos matubuan ng mga damo, dito naman sa kabila ay sobrang kabaligtaran. Malalago ang mga damo dito. Kaya lang since na summer time, halos tuyot na ang mga damo sa paligid ng bundok.



Subalit kahit ganoon ang setting ng paligid, ang ganda pa rin nyang kunan ng picture at pwedeng pwede maging wallpaper. Sa unang tingin ay manghihinayang ka sa mga tuyong damo sa paligid pero habang tumatagal meron pala itong kakaibang taglay na kagandahan. Parang tao din yan. Minsan may nakakasalamuha tayong hindi gaanong kagandahan sa unang tingin pero habang tinitingnan natin at nakakausap ng matagal, doon na nagsisimulang lumabas ang kanyang angking ganda. Naks.



At mga ilang hakbang pa pababa ng bundok, kakaibang setting naman ng baybayin ang naghihintay sa amin. Kung sa kabilang side ay hindi mo pansin ang alon maliban doon sa humahampas sa dalampasigan, dito naman, malayo pa lang ay ilang rolyo na ng alon ang nag-uunahan papuntang dalampasigan. Ang mga alon dito ay patunay na buhay na buhay ang isla ng Capones.



Habang binabaybay namin ang gilid ng dalampasigan, maliban sa mga aktibong alon, nakukuha rin ng aming atensyon ang mababatong daanan at mga higanteng bato sa paligid. Literal mong masasabi sa sarili mo na batong-bato ka na sa paligid mo dahil sa mga batong ito. Hehe



Kung sanay ka sa patag at sementadong daan, tyak, ibayong ingat ang gagawin mo dito. Kailangang magkaroon ka ng firm footing sa kabuuan ng lakaran dahil hindi pantay ang surface na nilalakaran mo at idagdag mo pa dyan ang pagiging madulas ng mga bato every time na nababasa ang mga ito ng alon. Sangkatutak na ingat talaga kung ayaw mong mabato este mabukolan. Hehe



Since na wala namang nakatira dito sa isla, pansinin din ang mga nilalang na nabubuhay dito. Yong iba ay malayang nagsa-sun bathing sa batuhan habang ang iba naman ay nagra-rock climbing. Hehe



At kung ganitong kaganda at kakaiba ang isang lugar na pupuntahan mo, papalagpasin mo ba ang pagkakataon na hindi magpakuha ng picture? Kung oo ang sagot mo, tyak wala kang dalang cam. Hehe. Kaya siguraduhing dala ang camera, fully charged ito, at malaki ang capacity ng sd card dahil tyak magiging trigger happy ka dito. Magiging sayang lang ang pagod mo kung sa memory mo lang naka-store ang mga ito at hindi pwedeng ma-upload o kaya'y ma-share sa iba.



Pero ang the best sa lahat ay ang ma-experience mo ang paghampas ng alon sa katawan mo habang todo emote ka sa harap ng camera. Buti na nga lang at game si Gerard na kunan ko sya sa ganitong set up. Sadyang nakakatuwa talaga. Actually, first time kong maka-encounter ng ganitong lugar na malakas ang hampas ng alon at di sya delikado. Tyak babalik ako dito para sa isang photo shoot project. Gara e. Hehe



At sa uulitin, huwag nating kalimutan ang kaligtasan ng isa't isa habang nag-eenjoy tayo sa mga lakarang katulad nito. Tyantyahin munang maige ang sitwasyon at palaging unahin ang kaligtasan bago ang excitement. Be safe sa pag-eexplore, mapa-high tide o low tide man. :)

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP