Saturday, May 8, 2010

Subic Tree Top Adventure - Canopy Ride

Since na hindi ko kakayanin ang thrill ng tree drop, nag settle muna ako sa canopy ride. Sabi ng iba, wala daw itong thrill, walang adrenalin rush. At kung takot ka daw sa heights, it is more of a torture than fun. Eto yong tipong "killing me softly" kind of adventure. Ang sabi ko naman, pang kondisyon muna bago ung mas exciting na ride.



Part ng safety requirements nila ang pagsusuot ng harness at helmet. Syempre nga naman, dapat tayong maging aware lagi sa ating safety bago sumuong sa mga adventures na pwedeng mapahamak tayo.



After na makapagsuot na kami ng harness at helmet, pumila na kami. At since na walang gaanong patrons sa canopy ride, ilang sandali lang game na.



At sa pagsampa namin sa platform, ramdam ko na agad ang kabog. Haha. Eto na naman po kami. At sino nga naman ang hindi kakabugin sa taas na 60 feet at sa pagtingin mo sa baba, kitang kita mo ang babagsakan mo kung sakali. Torture ito. Hehe



Parang gusto kong magback out. Para akong naiihi na ewan. Haha. Pero sayang ang bayad. Wala pa namang refund. Pero sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko ito. Marami na rin akong mga thrill rides at adventure na ginawa at tulad ng mga iyon, kaya ko rin itong malampasan. Yon nga lang, ang kaba ko laging unang nagwewelcome tuwing me mga ganitong klaseng adventure akong gagawin. Hay buhay.



At salbahe ang operator ng first station. By the count of three daw, lalarga na kami. Nagbilang nga, three agad. Haha Tapos ayon na, lambitin na kung lambitin ang laban.



Along the ride, makikita mo ang halos kabuuan ng area na occupied ng tree top adventure. Ang mga naglalakihang puno dito ay malamang 100 years old or more na at makikita mo naman ito sa laki at taas nila. Dito natin makikita na kapag inaalagaan natin ang ating natural resources kasama na ang mga gubat natin, malaki ang pakinabang ng lahat. At sana ang pagiging protected area ng subic ay mapanatili para naman ang mga susunod pa nating henerasyon ay ma-witness at ma-enjoy din ito. At sana, magiging ganito din ang set up sa iba pa nating natitirang mga gubat. Nakakalungkot nga lang isipin na unti-unting nauubos na ang mga kagubatan natin dahil na rin sa ating kapabayaan at sa mga interest ng iilan.



Anyway, pagkatapos ng ilang sandali na nakalambitin kami, unti-unti kong na-appreciate ang canopy ride. Parang ang sarap magkaroon ng ganito sa mga lugar kung saan madalas pasyalan ng mga tao. Iba kasi ang ganda at perspective pag nasa taas ka at kidding aside, iba ang fulfillment pag nakalambitin ka na sa ere. Sa wakas, nag gud bye na ang kaba ko. Hehe. Salamat naman.



Ang second station ay 70 feet ang taas. Mas mataas sa una pero composed na ako, relaxed na wika nga. Biruan nga namin, sana merong zoo sa baba kung saan merong gumagalang mga wild animals para naman mas lalong kaigaigaya ang kabuuan ng ride. Yon nga lang, pag mahulog ka, double jeopardy ang aabutin mo. Balibali na ang mga buto mo, lalantakan ka pa ng mga wild animals. Hehe. Brutal.



Ang third station ay may taas na 60 feet, ang fourth station ay 18 feet, at ang pinakahuling station ay 30 feet. Pinapagana ang canopy ride ng mga electric motors per station. Wag lang magkaroon ng power interruption, magiging smooth ang kabuuan ng rides.



Masarap itong maging first experience sa mga taong kagaya ko na takot sa heights. Sa simula ka lang naman kakabahan at habang nagpoprogress ang ride, tyak makakapag-adjust ka rin. Kadalasan minamadali natin ang mga bagay-bagay at gusto nating matapos agad ito. Pero sabi nga nila, it is not about reaching your destination but the experiences you learned along the way. Kaya enjoy the ride and have fun. Kapag matapos mo itong ride, pwede mo ng i-congratulate ang sarili mo dahil naka step one ka na sa pag conquer ng fear mo.



Pagkatapos ng ride, mahabang lakaran naman sa kanilang canopy walk. Actually, isa din sa mga dreams ko ang makapaglakad sa hanging bridge. Yong tipong mahangin tapos medyo umuuga ang bridge. Haha. Di ko rin ma-imagine ang sarili ko pag nagkataon.



Sa wakas natapos na rin kami. Kahit na walang adrenalin rush sa event na ito, this is one experience for the books. Para sa akin, pag maging explorer tayo, kailangan nating i-test ang limits natin paunti-unti. Baka kasi maging traumatic ang experience mo pag nagsimula ka don sa mga extremes. At kung sa tingin mo kaya mong mag level-up, sige lang, explore.

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP