Subic Tree Top Adventure - Tree Drop
Isa sa mga fears ko sa buhay ay about heights. Hindi ako takot sa mga mas matangkad sa akin. Hehe. Takot ako sa mga matataas na lugar - yon un. Siguro meron din naman ang nakakarelate sa sitwasyon kong ito. Sobrang hirap ng pakiramdam ng merong ganitong phobia, nangangatog ang tuhod mo na naiihi ka na parang hinahalukay ang bituka mo at idagdag mo pa ang mga gamunggong pawis at panlalamig ng iyong buong katawan at ang pinakamalupit sa lahat, bigla ka na lang mangingisay. Blog. Haha
Ngayong summer, kagagaling lang namin sa Tree Top Adventure sa Subic. Marami silang offered activities like treking, slow paced adventure, and fast paced adventure. Naykupo, mapapalaban tayo ng wala sa oras dito.
Bago sumabak sa mga activities, meron munang orientation. Diniscuss yong iba't ibang klaseng activities pati na rin ang mga makalaglag pangang presyo ng bawat activity. Ewan ko ba kung bakit kelangan nating magbayad ng mahal para lang kabugin ang ating mga sarili. Haha
Isa sa mga activities dito ay ang tree drop kung saan sasampa ka sa platform nila sa isang puno (kaya nga tree drop) na me taas na 70 feet tapos bigla kang ihuhulog. Eto yong tipong challenge na hindi ka na makapagdadasal kasi pagpikit pa lang ng mga mata mo, nasa lupa ka na (at don ka naman talaga babagsak kahit anong mangyari, hehe).
Actually, masarap panoorin ang mga lumalahok dito. Iba kasi ang sense of fulfillment pag naconquer mo ang ganitong klaseng challenge at syempre, kulang na lang ipangalandakan mo sa buong mundo na nagawa mo ang isang dreadful challenge na kagaya nito. Pero sa mga kagaya kong kinakabog, nyay, ibang usapan ito.
Iyong isang kasama namin, si Neil, aba'y walang kyeme na sinubukan ito. Haha. Di ko akalain na sa aming lahat, sya lang ang nag-iisang may guts na mag try nito. Kaming lahat, walang panama sa kanya. At para naman mawala ang kanyang unting kaba, nag cheer kami habang naghahanda sya.
At hanep nga naman sa style, trip nya ung naka mission impossible. Ang gara! Pagkatapos ng ilang seconds, nasa baba na sya. Ganon ka bilis ang adventure na to.
Naitanong ko tuloy sa sarili ko na "Ano kaya ang mga papasok sa isip ko habang nagpapatihulog ako kung sakasakali. O baka naman mag-isip na ako ng kung anu-ano pag nasa baba na ako at saka ako mag black out kasi bubuhos ang kaba ko pag nakaapak na ulit ako sa lupa." Haha
Meron din nag try ng inverted position. Pag medyo nasubukan mo na ang magrapel, pasok ka dito. Yon nga lang, medyo nakakangalay sa bandang legs kasi kailangan mong i-steady ang pagclip ng mga paa mo sa lubid para di ka mawalan ng balanse. All in all, cool move din ito at di ito kasing bilis ng mission impossible style.
Ito ang tipo ng challenge na buwis-buhay. Sadyang nakaka-excite kung adventurous type. Nakakasira ng pagkakaibigan (joke lang po, hehe) kung takot ka sa heights. Pero sabi nga nila, kung talagang mapapasubo ka at di ka makaatras, isigaw mo na lang daw ang takot mo. Pero sa dami ng nanonood, ok lng na sumigaw (o tumili) pag babae ka. Pag lalake, ibang usapan na yon considering na di naman aabot ng 5 seconds ang itatagal ng challenge na ito.
Di ko talaga ma-imagine ang sarili ko i-try ito. Wala pa akong enough guts na subukin ang ganitong klaseng challenge. Mag-iipon muna ako ng sangkatutak na lakas ng loob at tapang ng sikmura bago ko maharap ito. Oo, adventurer din ako pero hindi ito ang tipo kong adventure. Next time, baka sakali, bigla ko na lang i-try ito. Pero sa ngayon pass muna. Hanap muna ako ng ibang adventure na kaya ng powers ko. Hehe
Explore muna ako ng moderate na activity bago ang mga tinatawag na buwis-buhay challenge. By that time na makapag-adjust na ako, pwede ko ng sabihing let's rock. Ikaw? Kaya mo kaya ang ganitong klase ng challenge?
1 comments:
Wow the free fall! I want to try this out! Can't wait for my Subic trip!
Post a Comment