Showing posts with label subic. Show all posts
Showing posts with label subic. Show all posts

Monday, May 10, 2010

Subic Tree Top Adventure - Superman

Habang nakalambitin kami sa canopy ride, yong ibang mga kasama namin ay nag-eenjoy naman sa ibang adventures within tree top. Nakasalubong namin sa ere ang dalawa sa kanila habang sumisigaw at inienjoy ang superman ride.



At level up na nga ang nangyari. Pagkatapos namin ng canopy ride, superman naman ang next target.



Kahit na try ko na ang mag zipline sa Ecopark sa Fairview at sa Tagaytay, since heights na naman ang usapan, ang kabog ko kumakatok ulit. Haha. Eto na naman po kami. Dapat siguro araw-arawin ko ang ganitong mga adventure para mawala ng tuluyan ang mga daga ko sa dibdib. Buti na lang at di ako high-blood at wala ding sakit sa puso. Mahirap atang magkikisay habang nakalambitin sa ere. Hehe

Along the way, na-witness namin ang interactive freefall. Maximum of three persons ang pwede dito. Ibababa at itataas kayo kasama ang isang malaking metal frame na tinutuntungan nyo at hinahawakan. Eto yong tipo ng ride na maiiwan sa ere ang sikmura mo kapag biglaang ilalaglag kayo. Hindi ko na pinangahasan na subukin ito kasi one time ng nag anchor's away kami sa star city, muntik na akong magsuka. Partida na yon, nasa gitna pa ako noon. Haha



Sabi ng mga kasama ko, mas exciting daw ung silver surfer ride. Naka 45 degrees ata ung cable tapos hihilain kayo back and forth. In between, gagawin kayong parang pendulum. Hmmmm. Exciting nga pero pass muna ako dito. Sadyang di ko pa kaya. Hehe



Well, just like ng mga past experiences ko sa ganitong rides, sa simula lang naman ang kaba. On the contrary, masarap yong feeling na nakalambitin ka tapos kita mo yong nasa baba. Huwag ka lang papadaig sa kaba mo at tyak maeenjoy mo ang experience na kagaya nito.

Sa grupo, kaming tatlo na lang ang naiiwan. Natapos na nila ang kanilang package ride kaya kami na lang ang inantay. Nauna na sina Regine at Neil sumampa sa superman ride. Syempre naman excited ang dalawa lalo na si Regine. Ayan nga at nakasuperman move na sya agad. Hehe.



Since motorized din ang ride na ito, magugulat ka na lang kasi bigla ka nitong hihilain papunta sa kabilang dulo. Exciting nga. Ayan nga kitang kita sa expression ng mukha ni Regine ang pagkabigla. Hehe



At pinanindigan nga ng dalawa ang superman ride. Di nila ramdam ang ngawit habang nag aala superman sila. Kitang kita naman sa mga mukha nila ang saya.



Sa wakas, ako naman. Buti na lang kamo at hindi nila ako nakunan ng pic habang hinila paatras dahil malamang nabigla rin ako sa biglaang paghila ng motor. Hehe. Oo, ako itong nasa pic. Mukang isang maliit na tuldok sa dulo ng lubid. Haha. Boring pala ang magsolo sa ganitong ride. Wala kang kakwentuhan at wala kang kasama sa tawanan. Mukha tuloy akong ewan. Haha. At ang masama pa nito, dyahe kung magsisigaw akong mag-isa.



Sobrang saya ng pakiramdam na meron kang na-explore tapos nairaos mo ito ng matiwasay. Daig mo pa ang isang champion at again, tumataas ang iyong self esteem at fulfillment na rin. Kahit na minsan meron kang mga limitasyon at takot pero kung magagawan mo ito ng paraan na overcome, you'll eventually grow into a better and stronger person. Nosebleed. Hehe



Kaya't paminsan minsan, ok din yong sumusubok tayo ng bago at kakaiba sa mga nakagawian nating gawin. Huwag tayong makuntento na umupo na lang at manood habang ang iba ay sumusubok, nag-eenjoy, at nag-eexplore. Ipakita rin natin na kaya natin.



At katulad ngayong summer, masarap magbakasyon kasama ang pamilya, mahal sa buhay, o barkada. Palaguin at pagtibayin ang inyong samahan sa pamamagitan ng mga makabuluhang mga activities. Mag-explore, mag-enjoy, at pahalagahan ang bawat isa.



At kung wala kang makakasama, pwede ako lalo na pag out of town at nature trip ang gusto mo. Tara, gala tayo. Explore natin ang Pilipinas.

Saturday, May 8, 2010

Subic Tree Top Adventure - Canopy Ride

Since na hindi ko kakayanin ang thrill ng tree drop, nag settle muna ako sa canopy ride. Sabi ng iba, wala daw itong thrill, walang adrenalin rush. At kung takot ka daw sa heights, it is more of a torture than fun. Eto yong tipong "killing me softly" kind of adventure. Ang sabi ko naman, pang kondisyon muna bago ung mas exciting na ride.



Part ng safety requirements nila ang pagsusuot ng harness at helmet. Syempre nga naman, dapat tayong maging aware lagi sa ating safety bago sumuong sa mga adventures na pwedeng mapahamak tayo.



After na makapagsuot na kami ng harness at helmet, pumila na kami. At since na walang gaanong patrons sa canopy ride, ilang sandali lang game na.



At sa pagsampa namin sa platform, ramdam ko na agad ang kabog. Haha. Eto na naman po kami. At sino nga naman ang hindi kakabugin sa taas na 60 feet at sa pagtingin mo sa baba, kitang kita mo ang babagsakan mo kung sakali. Torture ito. Hehe



Parang gusto kong magback out. Para akong naiihi na ewan. Haha. Pero sayang ang bayad. Wala pa namang refund. Pero sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko ito. Marami na rin akong mga thrill rides at adventure na ginawa at tulad ng mga iyon, kaya ko rin itong malampasan. Yon nga lang, ang kaba ko laging unang nagwewelcome tuwing me mga ganitong klaseng adventure akong gagawin. Hay buhay.



At salbahe ang operator ng first station. By the count of three daw, lalarga na kami. Nagbilang nga, three agad. Haha Tapos ayon na, lambitin na kung lambitin ang laban.



Along the ride, makikita mo ang halos kabuuan ng area na occupied ng tree top adventure. Ang mga naglalakihang puno dito ay malamang 100 years old or more na at makikita mo naman ito sa laki at taas nila. Dito natin makikita na kapag inaalagaan natin ang ating natural resources kasama na ang mga gubat natin, malaki ang pakinabang ng lahat. At sana ang pagiging protected area ng subic ay mapanatili para naman ang mga susunod pa nating henerasyon ay ma-witness at ma-enjoy din ito. At sana, magiging ganito din ang set up sa iba pa nating natitirang mga gubat. Nakakalungkot nga lang isipin na unti-unting nauubos na ang mga kagubatan natin dahil na rin sa ating kapabayaan at sa mga interest ng iilan.



Anyway, pagkatapos ng ilang sandali na nakalambitin kami, unti-unti kong na-appreciate ang canopy ride. Parang ang sarap magkaroon ng ganito sa mga lugar kung saan madalas pasyalan ng mga tao. Iba kasi ang ganda at perspective pag nasa taas ka at kidding aside, iba ang fulfillment pag nakalambitin ka na sa ere. Sa wakas, nag gud bye na ang kaba ko. Hehe. Salamat naman.



Ang second station ay 70 feet ang taas. Mas mataas sa una pero composed na ako, relaxed na wika nga. Biruan nga namin, sana merong zoo sa baba kung saan merong gumagalang mga wild animals para naman mas lalong kaigaigaya ang kabuuan ng ride. Yon nga lang, pag mahulog ka, double jeopardy ang aabutin mo. Balibali na ang mga buto mo, lalantakan ka pa ng mga wild animals. Hehe. Brutal.



Ang third station ay may taas na 60 feet, ang fourth station ay 18 feet, at ang pinakahuling station ay 30 feet. Pinapagana ang canopy ride ng mga electric motors per station. Wag lang magkaroon ng power interruption, magiging smooth ang kabuuan ng rides.



Masarap itong maging first experience sa mga taong kagaya ko na takot sa heights. Sa simula ka lang naman kakabahan at habang nagpoprogress ang ride, tyak makakapag-adjust ka rin. Kadalasan minamadali natin ang mga bagay-bagay at gusto nating matapos agad ito. Pero sabi nga nila, it is not about reaching your destination but the experiences you learned along the way. Kaya enjoy the ride and have fun. Kapag matapos mo itong ride, pwede mo ng i-congratulate ang sarili mo dahil naka step one ka na sa pag conquer ng fear mo.



Pagkatapos ng ride, mahabang lakaran naman sa kanilang canopy walk. Actually, isa din sa mga dreams ko ang makapaglakad sa hanging bridge. Yong tipong mahangin tapos medyo umuuga ang bridge. Haha. Di ko rin ma-imagine ang sarili ko pag nagkataon.



Sa wakas natapos na rin kami. Kahit na walang adrenalin rush sa event na ito, this is one experience for the books. Para sa akin, pag maging explorer tayo, kailangan nating i-test ang limits natin paunti-unti. Baka kasi maging traumatic ang experience mo pag nagsimula ka don sa mga extremes. At kung sa tingin mo kaya mong mag level-up, sige lang, explore.

Subic Tree Top Adventure - Tree Drop

Isa sa mga fears ko sa buhay ay about heights. Hindi ako takot sa mga mas matangkad sa akin. Hehe. Takot ako sa mga matataas na lugar - yon un. Siguro meron din naman ang nakakarelate sa sitwasyon kong ito. Sobrang hirap ng pakiramdam ng merong ganitong phobia, nangangatog ang tuhod mo na naiihi ka na parang hinahalukay ang bituka mo at idagdag mo pa ang mga gamunggong pawis at panlalamig ng iyong buong katawan at ang pinakamalupit sa lahat, bigla ka na lang mangingisay. Blog. Haha

Ngayong summer, kagagaling lang namin sa Tree Top Adventure sa Subic. Marami silang offered activities like treking, slow paced adventure, and fast paced adventure. Naykupo, mapapalaban tayo ng wala sa oras dito.



Bago sumabak sa mga activities, meron munang orientation. Diniscuss yong iba't ibang klaseng activities pati na rin ang mga makalaglag pangang presyo ng bawat activity. Ewan ko ba kung bakit kelangan nating magbayad ng mahal para lang kabugin ang ating mga sarili. Haha



Isa sa mga activities dito ay ang tree drop kung saan sasampa ka sa platform nila sa isang puno (kaya nga tree drop) na me taas na 70 feet tapos bigla kang ihuhulog. Eto yong tipong challenge na hindi ka na makapagdadasal kasi pagpikit pa lang ng mga mata mo, nasa lupa ka na (at don ka naman talaga babagsak kahit anong mangyari, hehe).



Actually, masarap panoorin ang mga lumalahok dito. Iba kasi ang sense of fulfillment pag naconquer mo ang ganitong klaseng challenge at syempre, kulang na lang ipangalandakan mo sa buong mundo na nagawa mo ang isang dreadful challenge na kagaya nito. Pero sa mga kagaya kong kinakabog, nyay, ibang usapan ito.



Iyong isang kasama namin, si Neil, aba'y walang kyeme na sinubukan ito. Haha. Di ko akalain na sa aming lahat, sya lang ang nag-iisang may guts na mag try nito. Kaming lahat, walang panama sa kanya. At para naman mawala ang kanyang unting kaba, nag cheer kami habang naghahanda sya.



At hanep nga naman sa style, trip nya ung naka mission impossible. Ang gara! Pagkatapos ng ilang seconds, nasa baba na sya. Ganon ka bilis ang adventure na to.



Naitanong ko tuloy sa sarili ko na "Ano kaya ang mga papasok sa isip ko habang nagpapatihulog ako kung sakasakali. O baka naman mag-isip na ako ng kung anu-ano pag nasa baba na ako at saka ako mag black out kasi bubuhos ang kaba ko pag nakaapak na ulit ako sa lupa." Haha

Meron din nag try ng inverted position. Pag medyo nasubukan mo na ang magrapel, pasok ka dito. Yon nga lang, medyo nakakangalay sa bandang legs kasi kailangan mong i-steady ang pagclip ng mga paa mo sa lubid para di ka mawalan ng balanse. All in all, cool move din ito at di ito kasing bilis ng mission impossible style.



Ito ang tipo ng challenge na buwis-buhay. Sadyang nakaka-excite kung adventurous type. Nakakasira ng pagkakaibigan (joke lang po, hehe) kung takot ka sa heights. Pero sabi nga nila, kung talagang mapapasubo ka at di ka makaatras, isigaw mo na lang daw ang takot mo. Pero sa dami ng nanonood, ok lng na sumigaw (o tumili) pag babae ka. Pag lalake, ibang usapan na yon considering na di naman aabot ng 5 seconds ang itatagal ng challenge na ito.



Di ko talaga ma-imagine ang sarili ko i-try ito. Wala pa akong enough guts na subukin ang ganitong klaseng challenge. Mag-iipon muna ako ng sangkatutak na lakas ng loob at tapang ng sikmura bago ko maharap ito. Oo, adventurer din ako pero hindi ito ang tipo kong adventure. Next time, baka sakali, bigla ko na lang i-try ito. Pero sa ngayon pass muna. Hanap muna ako ng ibang adventure na kaya ng powers ko. Hehe

Explore muna ako ng moderate na activity bago ang mga tinatawag na buwis-buhay challenge. By that time na makapag-adjust na ako, pwede ko ng sabihing let's rock. Ikaw? Kaya mo kaya ang ganitong klase ng challenge?

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP