Monday, May 17, 2010

Capones Island @ Zambales - Part 4

Pagkatapos ng halos isang oras na paglagi namin sa lighthouse, kailangan na naming bumalik. Isang magandang experience ito para sa aming lahat. Tyak bawat isa sa amin ay may baong kwento tungkol sa lugar na ito.

Ang dinaanan namin kanina pag akyat dito ay sya ring dadaanan namin pabalik. Medyo madali na lang ang pabalik kasi puro pababa na ito. Usually, pag nanggaling ka na sa isang lugar, nagiging malapit na lang ito pabalik.




Sa aming pagbaba sa tabing dagat, medyo tumaas na naman ang level ng dagat at naging mas malakas na ang mga hampas ng alon. E di mas masaya. Hehe. Sinulit na namin ang trip sa alon.



Pumwesto ulit si Gerard. This time, survivor na ang tema namin. Salamat kay Carlo na mabilis makaisip ng tema pati na ang props na kawayan. Dito sa parteng ito ng dagat, hindi mahirap abangan ang paghampas ng alon. Sadyang maya't maya ang pagtama nito sa gilid ng isang dambuhalang kumpol ng mga bato. At kudos kay Gerard, ang astig ng porma niya bilang survivor kuno. Talagang pinanindigan. Hehe.



Si Bon naman ang sumunod. Since ayaw nyang mabasa sa panahong ito, nakakuha kami ng magandang pwesto sa ibabaw ng isang malaking bato at doon na namin inabangan ang paghampas ng alon. Ang ganda ng effects ng alon. Para bang pilit syang binabasa.



Humirit din si Carlo. Astang surfer naman sya. Sayang nga lang at hindi ganon katindi ang buhos ng alon sa parteng ito.



At ang may pinakamatinding trip sa lahat, si Justin. Puwesto lang naman sya lugar kung saan sporadic ang dating ng mga alon. Titingnan daw nya kung mababasa sya. Ayon, me dumating nga. Para tuloy syang nagshower ng wala sa oras. Haha. Na-take one tuloy sya ng alon.



Since na tumaas ang level ng dagat at mas malakas na ang hampas ng mga alon, mas lalo kaming naging maingat sa aming mga hakbang pabalik. Kailangang magaling ka sa timing at pakipagpatintero sa mga alon. Kailangang antayin mong visible ang dadaanan mo bago ka tumuloy dahil mahirap ng madulas, mawalan ng balanse, o mamali ng hakbang. Mahirap atang manghuli ng talangka sa mga batuhan dito. Hehe



Slowly and with extreme caution ang aming bawat hakbang. Hindi bale ng matagal ang paglakad basta wag lang mapahamak. Wala pa naman kaming dalang first aid kit. Mahirap umuwing may bukol at pasa dahil sa simpleng hindi pag-iingat. Kaya ingats.



Nakakatuwang panoorin ang bawat matsambahan ng alon, napapasigaw ang lahat. At ang isa ding mahiwagang tanong, bakit kailangan pang iwasan ang bawat paghampas ng alon. Masakit ba? Hehe




Bago ko nga pala makalimutan, pag pumunta kayo dito ang baon nyong tsinelas ay dapat matibay. Dahil sa bawat paghakbang mo sa mga batuhan, nawawala sa pwesto ang mga paa mo sa tsinelas. At kung hindi ito matibay, lalakad kang nakapaa sa mga batuhan at sa mainit na buhangin. Dalawa ang naging biktima sa amin, si Gerard at si Neil.



Pero meron ding good news sa mga nasiraan at masisiraan pa ng tsinelas. Maraming mga nagkalat na mga tsinelas dito, parehong sira at buo. Sa isang parte ng dalampasigan naiipon ang mga ito at swerte mo kung meron kang ma-salvage na ka-size ng paa mo. At wag kang mag-alala, free ang mga ito. Hehe. Kaya't kung masiraan ka dito at wala kang makitang kapares, iwanan mo na rin ung natirang buo para naman me makinabang in the future. Good idea ba? Teka, idea ito ni Pepe (Gat Jose Rizal) at hiniram ko lang. Hehe




At meron pa palang isang nakakatuwang nakatawag ng aking pansin dito. Sa isang parte ng baybayin dito sa isla, magbilang ka lang ng ilang hakbang ay magkakasunod mong mapansin ang pagkakaiba ng mga aapakan mo. Ang gara ano?



Kahit na tanghaling tapat at nakakapaso ang init, masaya naming na-explore ang islang ito. Lahat ay nakangiti at di alintana ang pagod. At dahil sa sobra ang init, balak sana naming magbabad na dito sa dagat. Kaya lang, chapter daw muna kasi inaantay na kami ng Anawangin Cove.

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP