Wednesday, May 12, 2010

Camara Island @ Zambales

Ako'y isang dakilang sabit sa grupo ng mga batang ito. Pagkatapos ng kanilang graduation at bago ang kanilang simula sa kanya-kanyang mga trabaho, nag plan sila ng outing at kahit na marami ang hindi sumama, itinuloy pa rin nila.

Nagkita-kita kami sa kanto ng Aurora Blvd. at Anonas sa Quezon City ng madaling araw at ng makumpleto ang grupo, tumulak na kami papuntang Zambales ng bandang 4am.



Bandang 7am ng dumating kami sa bahay nina Gerard. Yong bahay nila sa Subic ang nagsilbing holding area namin. Dito kami nag-iwan ng mga dala-dalahan namin at ang da best sa lahat, maghahanda ang pamilya nila ngayong araw kasi nga graduate na ang kanilang bunso. Hmmm. Tyak isang masaganang hapunan ang babalikan namin mamya.



Anyway, kanya-kanyang pahid na ng sunblock para naman hindi kami matusta sa buong araw naming activities. Dapat hindi talaga ito kinakaligtaan. Maige na yong nag-eenjoy kayo at pagkatapos noon, wala kang mararamdam na hapdi at panunuklap ng balat pagkatapos. Ang hirap kaya gumalaw pag mahapdi ang katawan mo dahil sa sunburn at hindi rin maganda tignan na hindi pantay ang kulay mo. Sige, pahid pa. Hehe



Dumating kami ng Pundaquit beach sa San Antonio, Zambales ng bandang 8am. At wala na kaming inaksayang oras. Tumungo na kami agad sa baybayin ng Pundaquit. Ang saya ng pakiramdam na ang nilalakaran mo ay buhangin at alam mong malapit ka na sa dagat. Definitely, kahit sino man ay magiging excited dahil makakakita na ulit ng dagat at tyak enjoy ito. Naiimagine mo na ang mga pwedeng gawin pati na ang mga kakaibang mangyayari pa along the way.



Dahil nga kilala ang Pundaquit beach, sobrang busy ang beach ng aming datnan. Makikita mong buhay na buhay ang mga kaganapan dito. At syempre pa makikinabang ang local community dito dahil sa pagdayo araw-araw ng mga turista, lokal man o dayuhan.



Isang mahiwagang tanong muna. Bakit nga ba pag nasa isang lugar tayo, hindi nawawala ang jump shot? Bakit ang karamihan sa atin ay hindi pinapalagpas ang pagkakataon na magpakuha ng picture kasama ang kanya-kanyang signature jump shot? Hehe. Hmmm. Sige mai-research nga yan.



At tumulak na nga kami papuntang Camara island. Since na maliliit na bangka lang ang ginamit, naghiwahiwalay kami, maximum ng 5 katao kada bangka. Required kaming magsuot ng life jacket sa kabuuan ng trip para na rin sa aming kaligtasan.



Banayad ang alon ng mga oras na iyon at parang ang sarap na agad magbabad sa dagat. Nakakatuwa ring panoorin ang pagkarera ng aming mga bangka, nag-uunahan makarating sa isla. Sa dalampasigan pa lang ng Pundaquit ay tanaw na ang isla ng Camara at makalipas ang sampung minuto, heto na kami at abot-kamay at abot-paa (hehe) na ang isla.



Kamasmalasan lang at tanghali na kami pumunta dito. Hindi na namin kita ang linya ng buhangin na nagdudugtong sa dalawang isla. Kung anong banayad ng alon sa dalampasigan ng Pundaquit, medyo may kalakasan naman ang hampas ng alon dito sa isla ng Carama at ang sabi ng aming bangkero ay high tide na raw at mapanganib na masyado kung pipilitin pa naming tumuntong sa isla. Waaaa.



Nakakalungkot naman pero ganon talaga. Minsan may mga gusto tayong gawin pero may mga bagay tayong dapat isaalang-alang at sa pagkakataong ito, hindi dapat ipagwalang bahala ang aming pansariling mga kaligtasan. Kayat hindi na kami nagpumilit pa. Hanggang tanaw na lang kami sa isla at tinungo na namin ang pangalawang isla, ang Capones island.

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP