Monday, May 17, 2010

Capones Island @ Zambales - Part 4

Pagkatapos ng halos isang oras na paglagi namin sa lighthouse, kailangan na naming bumalik. Isang magandang experience ito para sa aming lahat. Tyak bawat isa sa amin ay may baong kwento tungkol sa lugar na ito.

Ang dinaanan namin kanina pag akyat dito ay sya ring dadaanan namin pabalik. Medyo madali na lang ang pabalik kasi puro pababa na ito. Usually, pag nanggaling ka na sa isang lugar, nagiging malapit na lang ito pabalik.




Sa aming pagbaba sa tabing dagat, medyo tumaas na naman ang level ng dagat at naging mas malakas na ang mga hampas ng alon. E di mas masaya. Hehe. Sinulit na namin ang trip sa alon.



Pumwesto ulit si Gerard. This time, survivor na ang tema namin. Salamat kay Carlo na mabilis makaisip ng tema pati na ang props na kawayan. Dito sa parteng ito ng dagat, hindi mahirap abangan ang paghampas ng alon. Sadyang maya't maya ang pagtama nito sa gilid ng isang dambuhalang kumpol ng mga bato. At kudos kay Gerard, ang astig ng porma niya bilang survivor kuno. Talagang pinanindigan. Hehe.



Si Bon naman ang sumunod. Since ayaw nyang mabasa sa panahong ito, nakakuha kami ng magandang pwesto sa ibabaw ng isang malaking bato at doon na namin inabangan ang paghampas ng alon. Ang ganda ng effects ng alon. Para bang pilit syang binabasa.



Humirit din si Carlo. Astang surfer naman sya. Sayang nga lang at hindi ganon katindi ang buhos ng alon sa parteng ito.



At ang may pinakamatinding trip sa lahat, si Justin. Puwesto lang naman sya lugar kung saan sporadic ang dating ng mga alon. Titingnan daw nya kung mababasa sya. Ayon, me dumating nga. Para tuloy syang nagshower ng wala sa oras. Haha. Na-take one tuloy sya ng alon.



Since na tumaas ang level ng dagat at mas malakas na ang hampas ng mga alon, mas lalo kaming naging maingat sa aming mga hakbang pabalik. Kailangang magaling ka sa timing at pakipagpatintero sa mga alon. Kailangang antayin mong visible ang dadaanan mo bago ka tumuloy dahil mahirap ng madulas, mawalan ng balanse, o mamali ng hakbang. Mahirap atang manghuli ng talangka sa mga batuhan dito. Hehe



Slowly and with extreme caution ang aming bawat hakbang. Hindi bale ng matagal ang paglakad basta wag lang mapahamak. Wala pa naman kaming dalang first aid kit. Mahirap umuwing may bukol at pasa dahil sa simpleng hindi pag-iingat. Kaya ingats.



Nakakatuwang panoorin ang bawat matsambahan ng alon, napapasigaw ang lahat. At ang isa ding mahiwagang tanong, bakit kailangan pang iwasan ang bawat paghampas ng alon. Masakit ba? Hehe




Bago ko nga pala makalimutan, pag pumunta kayo dito ang baon nyong tsinelas ay dapat matibay. Dahil sa bawat paghakbang mo sa mga batuhan, nawawala sa pwesto ang mga paa mo sa tsinelas. At kung hindi ito matibay, lalakad kang nakapaa sa mga batuhan at sa mainit na buhangin. Dalawa ang naging biktima sa amin, si Gerard at si Neil.



Pero meron ding good news sa mga nasiraan at masisiraan pa ng tsinelas. Maraming mga nagkalat na mga tsinelas dito, parehong sira at buo. Sa isang parte ng dalampasigan naiipon ang mga ito at swerte mo kung meron kang ma-salvage na ka-size ng paa mo. At wag kang mag-alala, free ang mga ito. Hehe. Kaya't kung masiraan ka dito at wala kang makitang kapares, iwanan mo na rin ung natirang buo para naman me makinabang in the future. Good idea ba? Teka, idea ito ni Pepe (Gat Jose Rizal) at hiniram ko lang. Hehe




At meron pa palang isang nakakatuwang nakatawag ng aking pansin dito. Sa isang parte ng baybayin dito sa isla, magbilang ka lang ng ilang hakbang ay magkakasunod mong mapansin ang pagkakaiba ng mga aapakan mo. Ang gara ano?



Kahit na tanghaling tapat at nakakapaso ang init, masaya naming na-explore ang islang ito. Lahat ay nakangiti at di alintana ang pagod. At dahil sa sobra ang init, balak sana naming magbabad na dito sa dagat. Kaya lang, chapter daw muna kasi inaantay na kami ng Anawangin Cove.

Sunday, May 16, 2010

Capones Island @ Zambales - Part 3

Pagkatapos ng mahabang lakaran sa mga naglalaking batuhan sa baybayin, paakyat naman kami ngayon papuntang lighthouse. More or less 10 minutes walk mula sa ibaba, mararating mo na ang dinadayong lighthouse dito.



Basically, di naman ganon kahirap akyatin ang parteng ito ng bundok. May mga parts na challenging pero sa kabuuan kaya naman, kahit sabihin mo pang kulang ka sa praktis sa mga ganitong tipong activity. Sabi nga, pag hindi kayang daanin sa patayo pwede namang gapangin. Ajeje.



At ito na nga yon, ang lighthouse ng capones!



Sa unang tingin, talagang pinabayaan na ang kabuuan ng lugar. Aging at deteriorating structure na ito at malamang walang sapat na pondo para ito irehabilitate. Katulad din ito ng iba pang mga lighthouses sa buong kapuluan ng Pilipinas, hindi nabibigyan ng sapat na importansya para ito marehab o di kaya'y ma maintain man lang. Nakakapanghinayang dahil ito ang main attraction ng isla.



Pero sa kabilang banda, naitanong ko rin sa sarili ko na kung sakaling maayos ang pisikal na structure nito at maayos ang pagka-maintain nito, magiging mas attractive kaya ito? O ang pagiging abandoned at aging state nito ang syang nagbibigay ng halina at kakaibang magneto sa mga dumadayo dito?



Anyway, ginala namin ang iba't ibang sulok nito at as usual, picture dito at picture doon ang mga sumunod na eksena.



Actually, magandang place ito for a photo shoot. Kahit na sabihin mong hindi ka maalam kung papano kunan ng magandang shoot ang model mo, ang lugar na ito mismo ang mag susuggest sa iyo. Although malaking bagay na pareho kayong creative ng model mo, pero ang setting ng lugar ay meron na ring sariling inputs.



Kung ako nga lang ang masusunod, gusto kong mag stay dito ng buong araw at talagang i-maximize ang setting ng lugar para makakuha ng magandang pictures. Yon nga lang, kelangan me presence ng models para magkaroon ng katuturan ang oras na ilalagi mo dito.



Inakyat namin ang tuktok ng lighthouse. Medyo nakakatakot ang spiral metal staircase kasi umuuga ito lalo na kapag marami kayong paakyat o pababa. Sa katagalan ng panahon, hindi na nakakapit ang mga pako nito sa concrete kaya't umuuga ito.



Maliban sa spiral staircase, meron pang dalawang metal stairs na aakyatin para marating ang pinakatuktok ng lighthouse. Yung unang staircase naka incline siguro ng 70 to 75 degrees pero ang pangalawang staircase, naka 90 degrees ito at more or less, 8 feet ang taas nito. Nyay.



At pagdating mo sa tuktok, a full-360 degrees view ng buong lugar ang tatambad sa iyo. Nakakalula kung medyo takot ka sa heights pero masarap itong maging tambayan. Hehe.




Kung hindi lang katirikan ng araw, ang sarap magpalipas ng oras dito kasama ang barkada at magkwentuhan. Pag andito ka sa tuktok, tyak hindi mo ramdam ang paglipas ng oras. Ramdam mo ang katahimikan ng lugar, ang lakas ng ihip ng sariwang hangin, ang mabagal na paglipas ng sandali, at ito yung tipong lugar na wala kang masyadong iisipin.



Sa bandang baba, kitang kita ang unti-unting pagkasira ng bubong at ng iba pang upper structure ng building. Marahil pinabayaan na rin ito kasi walang tumatao dito. Hmmm. Ano kaya ang pakiramdam kung sakaling ma-assign ka ditong mag-isa na nangangala sa lighthouse tapos mag-isa ka ring matutulog dito? Haha. Di ko papangaraping matulog mag-isa dito.



Pero ang nakakagulat, solar powered ang lighthouse na ito. Makikita ang solar panels sa ibaba at tyak naka program kung anong oras iilaw ang lighthouse. Kaya pala hindi na sila nag-aksaya ng resources na irehab ang lugar kasi wala namang tatao dito. Kung papalya man ang ilaw ng lighthouse malamang saka palang magkaroon ng maintenance crew dito.



Sa aking na-witness, nakakapanghinayang ang naipundar na lighthouse structure. Ganito na rin ang nangyayari sa halos lahat ng panig ng ating bansa. Maging ang ating mga cultural heritage sites ay napapabayaan na rin. Ang ating national at local governments ay hindi pinagtutuunan ng pansin na isaayos ang mga ito at maging proud kung anong meron sa atin. Samantalang sa ibang bansa, ginagastusan ito ng gobyerno nila at pinipreserve. Nakakapanghinayang kasi nga kulang tayo sa pagpapahalaga sa aspetong cultural ng sariling atin samantalang manghang-mangha naman tayo sa kung ano ang meron sa ibang mga bansa.



Sana maisayos ang mga ito at ma-maintain. Dahil darating ang panahon na sa history books at internet na lang sila makikita.

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP