Monday, June 14, 2010

Snake Island, Honda Bay @ Puerto Princesa, Palawan

Snake island, masyadong interesting ang pangalan ng islang ito. Actually, ang namumuong picture sa isip ko habang nagreregister pa lang kami papunta dito ay isang isla na meron kang aakyatin, matarik ang mga bangin, magubat, naglalakihan ang mga puno, at higit sa lahat, maraming ahas. Wow! Masasabi kong kakaibang experience na naman ito pag nagkataon. Last time ng nasa Tagaytay zoo kami, nag try akong magpapulupot ng ahas sa leeg ko at hindi pa rin sapat ang experience na yon para mawala ang kaba ko.

Habang nasa gitna kami ng dagat, medyo na confirm sa utak ko na madami ngang ahas siguro sa snake island dahil sa isang agila na naispatan ko sa di kalayuan. Malamang kahit sino ang makakita ng ganito, iisipin din na meron nga talagang mga ahas sa pupuntahan naming isla.




First time kong makakita ng agila na lumilipad na merong tangang ahas sa malapitan. Ipinagdadasal ko nga ng mga oras na yon na wag nyang bibilisan ang lipad at kung pwedeng babaan pa nya unti ang lipad para meron akong magandang souvenir sa kanya. Kaso lang, sa huli nya ng araw na yon, mukhang excited na itong umuwi agad. Baka nga naman may mga inakay na naghihintay sa kanya. Ganon pa man, blessing na rin ang ganitong pambihirang pagkakataon.



Pagkatapos ng halos 10 minutong takbo ng bangka, tanaw na namin ang snake island. Sa malayo pa lang, na pa ngeee na ako. Sobrang layo ng expectations ko sa islang ito. Akala ko matetest ang stamina ko sa akyatan yon pala isang diretsong patag lang ito. Kaya daw tinawag itong snake island dahil sa aerial view nito ay hugis ahas. Haha. Yon pala yon.



Sa malayo, madaming bangka na ang nakadaong at marami ang nakababad sa dagat kahit na tanghaling tapat. Isa daw ito sa mga paboritong picnic areas sa honda bay dahil walang entrance fee dito.



Ang isang magandang disiplina na napansin ko dito ay merong silang designated unloading area. Sa bawat bangkang dumadating, ang unloading area na yon ang ginagamit kaya't nagmumukha itong bakante. Pagkatapos nilang mag-unload dito, kailangan nilang itabi ang bangka sa isang lugar na dapat ay hindi makakasagabal sa mga susunod pang bangka. Nice one.



Nang dumating kami, lahat ng cottages dito ay puno na. Karamihan sa mga bisita dito ay kumakain na ng kanilang tanghalian at ang iba naman ay nagpapahinga dahil sa katirikan ng init ng araw.



Masasabi mong ang mga nakababad sa dagat ng mga oras na iyon ay talagang sabik sa dagat at hindi taga rito. Talagang sinusulit ang pamamasyal sa isla at sinasamantala ang pagkakataon na kaunti lang ang mga taong nakalusong. Para sa kapakanan ng mga bisita dito, merong designated area para sa swimming at snorkeling. At malamang kung isa ka sa mga ito, talagang matutuwa ka dahil sa walang alon sa lugar na ito. Maeenjoy mo ng husto ang paglalangoy pati na ang pagpapakain sa mga isda.



Actually, inalok kami ng mga bangkero namin na mag rent ng pang snorkel sa halagang 100 pesos. Madami daw isda sa lugar na kung saan hanggang beywang ang lalim ng tubig at pwede itong pakain ng tinapay. Nasubukan ko na rin dati ang magpakain ng isda ng pumunta kami sa Coron at dahil sa wala naman akong underwater cam, di ko rin ito makukunan ng picture. Maliban dito, wala kaming baon na damit. Hehe. Ang hirap kayang bumiyahe na basa.



Anyway, naglakad-lakad na lang kami sa dalampasigan. Kagaya ng sa starfish island, white sand din ang buhangin dito at kung hindi lang mainit, ang sarap maglakad ng nakayapak lang. Masasabi ko na typical beach resort lang ito, wala masyadong exciting sa lugar na ito. Malamang isang malaking challenge siguro ang lakarin ang kabuuang stretch ng islang ito. Sa haba nito, baka kailanganin mo ng halos isang oras papunta sa dulo at pabalik sa daungan ng bangka. Good luck na lang. Hehe.



Nagbabad kami ng ilang minuto at talaga namang ang sarap sa pakiramdam ng tubig dito. Masuwerte ang mga taga-rito dahil hindi polluted ang mga beach resorts dito. Ang sarap talaga ng makapagbakasyon sa ganitong klaseng lugar.



Sa pagbabad namin sa tubig, me mangilan-ngilang mga isda ang lumalangoy sa tabi. Mostly, mga maliliit at kulay puti ang mga ito. Ang sabi ni Eric, hindi kumakain ng tinapay ang mga ito. Kanin daw ang trip nila. Haha. Ang mga isdang medyo malalaki na ang syang pumapak sa mga tinapay na tinapon namin sa tubig pero sadyang maiilap sila. Shy type kung baga. Ang sarap siguro ma-experience ang isang pagkakataong napapakain mo ang mga isda at nakikihalubilo sila sa iyo ng hindi natatakot. Siguro kung sasabihin mong vegetarian ka, malamang hindi nga sila matatakot. Hehe.



Pagkatapos ng ilang saglit, nag decide na kaming umalis. Malamang maaga kaming makakauwi dahil isang isla na lang ang natitira sa listahan namin. Kung gugustuhin namin, pwede kaming magtagal kahit na buong maghapon dahil sa bayad naman namin ang bangka ng buong araw. Kaya lang, wala naman masyadong exciting na gagawin at wala naman gaanong kakaiba sa dalawang isla na napuntahan namin. Sana maiba naman ang pangatlong isla.

3 comments:

Gerald Zaide June 15, 2010 at 1:27 PM  

galing :) nice timing at capture

Unknown June 16, 2010 at 12:17 AM  

nakatsamba lang ge ;)

Ms Jhessy Cordero August 7, 2012 at 2:41 PM  

Hi, we stumbled upon your blog looking for honda bay pictures. Your pictures came out really great. Hope you don't mind us using some on our website. Photo credits are placed. Thanks a lot! and More power!

http://ppspackage.blogspot.com/2012/08/snake-island-honda-bay-palawan.html

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP