Pandan Island, Honda Bay @ Puerto Princesa, Palawan
Give or take 10 minutes, ganon lang ang layo ng Pandan island sa Snake island. Sobrang layo talaga ng expectations namin regarding doon sa dalawang islang napuntahan namin. At heto na naman kami, looking forward sa isa pang natitirang isla at nagtatanong kung anong merong kakaiba dito. Sana nga meron itong hatid na kakaibang adventure sa amin.
Sa malayo pa lang, kita na ang mga makukulay na flags na animo'y nag-aanyaya sa mga bisita. At di hamak na mas marami ang mga bangkang nakadaong dito kumpara sa snake island. Ang entrance fee dito ay 50 pesos din kagaya ng sa Starfish island.
Sa nakita kong ayos ng isla, talagang nilagyan nila ito ng mga naglalaking flags na iba't iba ang kulay para makadagdag sa ganda ng isla. Maganda kasi tingnan ang mga ito lalo na pag malakas ang hangin at todo wagayway ang mga ito.
Nang dumating kami dito ay almost 12 noon na kaya't unti lang mga taong naliligo sa tao. Karamihan ay nasa cottages na, either nagpapahinga o kumakain ng tanghalian. Kapag wala kayong dalang pagkain, meron ditong kubo na pwede mag order ng pagkain at kung sanay ka na sa presyo ng mga pagkain sa Manila na 100 pesos pataas, tyak hindi ka mabibigla.
Natawa lang ako dito kasi ang buko nila ay 25 pesos ang isa, mas mahal sa presyo sa Manila. Nakakabili ako ng buko as low as 17 pesos ang isa pero dito, di hamak na mas mahal. Sabagay ganon talaga pag commercialized na ang isang area at dinadayo ng mga bakasyonista, sadyang tumataas ang mga bilihin. Pero mas ok na yong buko kesa sa soda. Hehe. Kunwari health conscious.
Sa mga sobrang napagod sa kakaswimming o sadyang naghahanap ng pamparelax, meron din ditong massage. Hmmm. Di ko pa na try ang outdoor massage pero sa timpla ng paligid, malamang makakatulog ka sa sarap ng masahe at sa preskong simoy ng hangin.
Ayun, naglakadlakad lang kami sa isla, kumain unti, at tumambay unti. Masarap sanang maligo pero katirikan ng araw at ang masaklap na kwento, wala kaming baong damit na pamalit. Weee.
At ang mahiwagang tanong namin, meron nga bang kakaiba sa mga islang napuntahan namin? Crystal clear ang tubig dagat, masarap paliguan, kayang kaya ng bulsa ang entrance fees, 100 percent na presko ang hangin, walang maiingay na videoke, at masarap maglakad sa pinong white sand. Maliban dito walang masyadong thrilling activities na pwedeng pang-engganyo dito, purely pamparelax lang talaga. Well, pinagpala pa rin kami at nakarating kami sa mga islang ito at na witness namin ang ganda at pag protekta sa mga ito. Sana mas marami pa tayong mga ganitong tipo ng isla na talagang ma-aapreciate mo ang ganda ng kalikasan.
Almost one hour lang kami tumigil sa islang ito at uwian na. Kahit na naghahanap kami ng kakaibang adventure sa mga islang napuntahan namin, maliban doon sa starfish at sa agila, wala na kaming pwedeng ikwento na masasabing mong exciting. Pero meron palang pahabol na excitement ang aming adventure dito. Haha. Next time, malalaman nyo rin.
0 comments:
Post a Comment