Puerto Princesa, Palawan
At last, after the summer break, bakasyon grande na naman. Excited as usual kasi babalik ako ng Palawan. Last last year pumunta kami ng Coron (next time na lang yong transcript) at sobrang ganda ng lugar. This time, sa Puerto Princesa naman. Aaminin ko na madaming mga magagandang pictures ang namumuo sa isipan ko habang paparating ang araw ng aming paglipad papunta dito.
Dapat sana ay kukuha ako ng packaged tour worth 4k para sa 3 days and 2 nights stay pero me magandang balita, ang isa student ko this summer ay taga Palawan at uuwi din sya after ng summer. Ang kinalabasan, isinama nya ako at bahala na lang daw si Batman sa mga adventures namin doon. Haha
Last trip ng Cebu Pacific ang kinuha namin ng araw na iyon (medyo mura kasi ang pamasahe) at bago mag 6pm ay nakasampa na kami sa eroplano. Dahil sa week end kami umalis, punuan ang eroplano at madami ang mga turistang kasabayan namin.
Habang lumilipad ang eroplano, na-enjoy namin ang sunset. Dahil sa nakaupo lang naman kami at wala namang ibang gagawin maliban sa magbasa ng "smile" magazine ng airline o di kaya'y maidlip, minabuti muna naming pagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw. At kasabay nito, napagkwentuhan din namin ang iba pang mga bagay-bagay gaya ng panunuod ng ulap na nagkakaroon ng iba't ibang hugis. Masayang balikan ang mga panahong simple lang ang buhay, simple lang ang mga libangan.
Pagkatapos ng travel time na isang oras at 15 minutos, matiwasay kaming nakarating sa Puerto Princesa airport. Since na gabi na kami dumating, hindi na kita ang kabuuan ng airport. Pero sabi maliit lang daw ito at merong gagawing isang international airport dito.
Pagkalabas namin ng airport, naghahanap ako ng taxing masakyan. Hindi nga pala uso ang taxi dito. Ang pwedeng sakyan lang ay private vehicle o tricyle. Sa mga first timers dito sa Puerto Princesa, ang tricycle ride ay may regular fare na 7 pesos tapos kung may mga bagahe kayo katulad namin parang times two ang babayaran. Kayang-kaya. Hehe
Habang binabaybay namin ang kalsada simula airport papunta sa bahay nina Eric, kapansin-pansin na maunlad ang Puerto Princesa. Sa airport area pa lang, sobrang daming restaurants ang madadaanan at talaga namang marami sa mga ito ang full packed dahil sa dami ng mga turista at pati na ang mga lokal na pumupunta dito.
Anyway, pagkatapos naming makarating sa bahay nina Eric, dinala nya ako sa baywalk na overlooking lang sa kanilang bahay. Para itong version ng baywalk sa Maynila. Sobrang lawak ng lugar, ang buong kahabaan ng gilid ng dagat ay may mga poste ng ilaw, madaming mga paninda, meron ding nagpaparent ng mga bisekleta, at ang daming mga tao ng gabing iyon. Paborito daw itong puntahan ng mga tao dito kasi nga naman libre lang at pwedeng hindi ka gumastos, basta tambay ka lang.
Ang isang nakatawag ng aking pansin habang andito kami sa baywalk ay ang simbolo ng peacock. Sabi, ito daw ang inadopt na simbolo ni Mayor Edward Hagedorn (totoo ba ito? reactions pls) kaya kahit saang parte ka ng Puerto Princesa, meron at meron kang makikitang simbolo ng peacock. Hmmm. Nakakatawa mang isipin pero hindi pa talaga ako nakakita ng totoong peacock, sa picture lang at sa movies.
Dahil sa tatambay kami dito pansamantala, hindi ko rin pinalagpas ang kanilang mango shake. Since probinsya, di ganon kabigat sa bulsa ang presyo dito. Ang small ay 10 pesos, medium ay 12 pesos, at large ay 15 pesos. At marahil ang tinderang aming nataymingan ay mabait, aba'y pwedeng magrequest ng extra milk. Hehe. Nilagyan muna nila ng gatas ang baso bago nilagyan ng shake at pagkatapos, me extra milk pa na toppings. Ang bait talaga. At talaga namang lasang-lasa ang mangga. Hmmm. Favorite.
Kahit saan atang parte ng Pinas ay merong tindang street foods. Pinapakita lang nito na sobrang hilig talaga nating kumain. At marami ring ganito dito sa Puerto Princesa.
Bibihira lang din akong ganahan sa mga street foods. Siguro hindi nyo rin ako masisi kasi di ko naman alam kung papano naprepare yong ganitong mga klaseng pagkain kaya medyo iwas din ako. Pag talagang lutong bahay, pupwede sa akin pero pag mga tinda lang sa kanto, bibihira akong makitusok dito. Ang mga natikman ko lang na tusok-tusok ay kikiam, squid ball, fish ball, hotdog, at ang sabi nilang pusit na merong formalin. Haha. Simula ng mapabalita yon, di na ko umulit pang kumain.
Anyway, dito sa Puerto Princesa kakaiba ang kanilang fishball. Hindi ito frozen delight kagaya ng ibinebenta sa Manila. Malambot ito at malinamnam, talagang lasang isda na hinaluan ng harina at unting pampalasa. Yong isang stick na merong 5 piraso ay 3 pesos lang. Sarap.
Sa kalalakad namin pauwi, napadaan kami sa Itoy's, ang kilalang coffee shop dito. Di na rin kami pinalad na makatambay dito kahit sandali lang kasi papasara na ito dahil mag-aalas nueve na ng gabi.
Pagkatapos naming maghapunan, tulugan na agad at maaga pa kaming maglalakwatsa kinabukasan. Excited. Hehe. Gud nite.
0 comments:
Post a Comment